Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: Tinig ni Juris ng "MYMP", kakaibang langit ang hatid sa mga lalake?


head forumer

Status: Offline
Posts: 132
Date:
Tinig ni Juris ng "MYMP", kakaibang langit ang hatid sa mga lalake?


Author: Dondon Sermino

Para nga siyang si Nora Aunor noon. Isang maliit na babae na umaawit at nang-aaliw sa libu-libong tao sa kanyang paligid.

Sa totoo lang, hindi na biro ang kasikatan ni Juris Fernandez ng MYMP (Make Your Momma Proud). Sa unang konsiyerto nga nila ni Chin (gitarista), punumpuno ng ibat ibang klaseng tao ang Araneta Coliseum.

Aliw na aliw sila sa isang maliit na babae na may pagkanda-gandang tinig.

Sabi ni Juris, wala sa hinagap niya na mararating nila ni Chin ang ganitong klase ng tagumpay. Ni hindi nga niya naisip noon na magiging propesyunal na mang-aawit siya.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga naisip na mangyayari ito sa akin. After college lang kasi ako naging mas focus sa music. Nung bata kasi ako, hanggang lumaki ako, `yung pagkanta, parang wala lang.

"Kaya nga ang course na kinuha ko ay Psychology. Kasi wala talaga sa isip ko.

"Nung 4th year college ako, sinabihan ako ni Jimmy Bondoc na mag-audition. So, nag-try lang ako.

"Ang parents ko, ayaw nila at first dahil mapapabayaan ko raw ang education ko. Pero gusto ko lang talagang subukan.

"Actually, nakakahiya sa mga kasamahan ko, kasi sila bread and butter nila `yon, tapos ako, gusto ko lang i-try talaga.

"Pero, `yun na nga, tinigil ko na rin ang pagkanta. Ang plano ko talaga, after college, magdudoktor talaga ako. After I graduated, nag-take na ako ng mga science courses, eh.

"Pero after graduation, tinawagan ulit ako ni Jimmy, pero sabi ko sa kanya, once a week lang ako puwede.

"Hanggang sa naging almost everyday na, na lahat ng mga gigs nila, sumasama na ako," pagbabalik-tanaw pa ni Chin.

Hindi rin nagtagal ang pagsasama nina Juris at Jimmy, dahil pumasok na sa eksena si Nina. Sina Jimmy at Nina ang naging magkasama.

Pero, dahil matagal na rin niyang kilala si Chin, hayun nga at nagbuo naman sila ng grupo. Sa kolehiyo kasi ay si Chin na ang madalas na maggitara para kay Juris.

Kung titingnan mo si Juris, hindi siya mukhang 27 years old. Para nga siyang 19 years old, kaya karamihan sa mga nagkakagusto sa kanya ay mga bagets o ang mga lalake na ang edad ay 18, 19 o 20.

"Maganda `yon for us, dahil kapag mas bata raw ang nagsu-support sa isang grupo, mas matagal daw ang span na aabutin ng career. Siyempre, makakasabay mo sila sa pagtanda, `di ba?" nakangiting say niya.

May mga bagets ba talaga na naglalakas ng loob na manligaw sa kanya?

"Wala naman masyadong manliligaw ngayon, eh. Wala talaga! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Ang huling boyfriend nga ni Juris ay si Mike Manahan na kasama rin nila noon sa MYMP.

"Nasa ibang banda na siya ngayon. Hindi ko na siya nakakausap," simpleng sabi niya.

Teka lang, bakit hindi na lang sila ni Chin ang gawin niyang boyfriend, tutal naman, halos araw-araw ay kasama niya ito at tanggap naman sila ng mga fans nila.

"Ayy! Wala! Magkaibigan lang kami!"

Paano kung ligawan siya ni Chin?

"Ayoko! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Bakit ayaw niyang magpaligaw kay Chin?

"Wala lang! Kasi, wala talaga. Brotherly lang talaga. At saka, wala talaga, eh! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na say pa ni Chin.

Dapat ba ay maging mahusay na singer din ang magiging kasunod na boyfriend ni Juris? Sa tingin ba niya ay mas makakasundo niya ang isang lalakeng mahilig din sa musika?

"Hindi naman. Mas choice ko talaga na hindi siya singer. Parang mas magulo kasi, eh.

"Na-experience ko na `yung magka-boyfriend ng singer, `di ba? Parang mahirap, eh. Parang magulo."

Kumpleto ako ng album ng MYMP, at sa totoo lang, kakaiba kasi talaga ang timbre ng boses ni Chin. Yun nga ang boses na hindi mo pagsasawaang pakinggan kahit paulit-ulit mong pakinggan.

"Nagpapasalamat nga ako at hindi ako kaagad napapaos. Hindi ko alam kung bakit. Pag nagkakasakit ako, inaagapan ko agad ang boses ko."

Walang pormal na edukasyon sa musika si Juris. Hindi rin niya plinano ang estilo niya sa pagkanta.

"Kung ano lang po `yung style ko sa pagkanta noon, `yun pa rin ang ginagawa ko ngayon."

Sabi ko kay Juris, may mga lalake na aliw na aliw sa kanyang tinig, dahil ang pakiramdam nila ay dinadala sila sa kakaibang langit ng malamig niyang tinig.

"Ganu`n ba `yon? Ha! Ha! Ha! Ha!" gulat na gulat na reaksiyon ni Juris.

"Pero sa totoo lang, before talaga hindi ko alam na magaling akong kumanta. Siguro, nagkaroon lang ako ng idea na maganda ang boses ko noong nire-request nila sa school na kumanta ako.

"Siguro, sa papa ko namana ang boses ko. Marunong kasi siyang kumanta. Dati kasi, vocalist ang papa ko ng mga combo. Pero, retired engineer po ang papa ko," kuwento pa ni Juris.

Oo nga, ang magandang tinig ni Juris ang nagpabago ng buhay niya. Pero, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin pumapasok sa isip niya na nagbago na talaga ang buhay niya nang dahil sa boses niya.

"Ganu`n pa rin naman. May mga bumabati, may nagpapa-picture, pero hindi naman sila magugulo. Kung may pagbabago man, lumalabas na ako sa gabi, pero trabaho lang `yon. So, parang hindi pa rin nagbago," nakangiting sabi na lang ni Juris.

Siyanga pala, may repeat ang concert na MYMPBest: The Repeat sa Araneta sa February 3. At regular na ring mapapanood sa ASAP 2006 Mania sina Juris at Chin.


Reference Link: http://telebisyon.net/balita/Tinig-ni-Juris-ng-MYMP-kakaibang-langit-ang-hatid-sa-mga-lalake/artikulo/18080/

__________________

keep on posting. keep on supporting MYMP!
Make Your Momma Proud.

Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard