Members Login
Username 
 
Password 
    Remember Me  
Post Info TOPIC: MYMP "NOW" Album launch


head forumer

Status: Offline
Posts: 132
Date:
MYMP "NOW" Album launch


by Jojo Gabinete
Abante Tonight
August 21, 2008


Nagustuhan n­amin ang press launch ng M.Y.M.P. NOW , ang 5th anniversary album ng M.Y.M.P. Kakaiba ang press launch dahil ilang araw bago ito gina­nap, mahigpit ang bilin ni Noel Ferrer sa invited writers na magdala ng kopya ng kanilang lumang litrato.

Kinunan ng litrato ang mga reporter na nagdala ng mga lumang larawan, bago sila pumasok sa presscon venue at nang kantahin ng M.Y.M.P. ang mga awit mula sa kanilang bagong album, nag-flash sa malaking screen ang Then & Now pictures ng entertainment media.


Imposibleng hindi nagkaroon ng nostalgic feeling ang mga reporter na nagdala ng lumang litrato habang nakikita ang kanilang then and now pictures habang kinakanta ng M.Y.M.P. ang sariling version ng Missing You ni John Waile at When She Cries ng Restless Heart.


Ang MYMP (Make Your Momma Proud) ang binansagan na premiere acoustic group. Si Juriz Fernandez ang lead vocals at guitar/occasional vocals si Chin Alcantara.


Pagkatapos ng dalawang taon, muling bumalik sa studio recording ang MYMP at malaki ang pasasa­lamat nila sa Ivory Music dahil binigyan sila ng pagkakataon na i-explore ang kanilang new contemporary acoustic sound.


Personal na pinili nina Chin at Juris ang mga kanta sa 5th Anniversary Album ng MYMP.


Bilang pasasalamat sa kanilang mga supporter, magkakaroon ng album tour, autograph signing at photo-op ang MYMP sa mga sumusunod na araw at lugar: August 30- SM Bicutan, August 31, SM Taytay, September 12- SM Fairview, September 28- SM Bacoor, November 8- SM North Edsa at November 9- SM Sta. Rosa.

Reference Link: http://www.abante.com.ph/issue/aug2108/ent_jg.htm

-- Edited by Admin at 16:47, 2008-08-24

__________________

keep on posting. keep on supporting MYMP!
Make Your Momma Proud.

Page 1 of 1  sorted by
 
Quick Reply

Please log in to post quick replies.

Tweet this page Post to Digg Post to Del.icio.us


Create your own FREE Forum
Report Abuse
Powered by ActiveBoard